Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte ang Quezon City Animal Care & Adoption Center ng City Veterinary Department (CVD) sa Barangay Payatas.
Nais ng alkalde na masaksihan ang pagsasanay ng mga City Veterinarians ng Flank Spay Surgery sa mga aso at pusa sa komunidad sa tulong ng Biyaya Animal Care Foundation.
Layon ng operasyon na gawing mas mabilis, madali, at less invasive ang pag-opera sa mga furbabies sa lungsod.
Ang programang ito ay bahagi ng pagpapalakas ng mga veterinary services ng lokal na pamahalaan na naglalayong makontrol ang papulasyon ng mga aso at pusa, mabawasan ang rabies cases, at stray animals sa QC.
Kasama ni Mayor Joy sina P/B Ras Doctor, City Veterinarian Dr. Henry Barbero, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at Biyaya Animal Care Foundation Medical Director Dr. Joden Sumeldan.










