Pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto ang 1st Quarter Council Meeting ng Quezon City Anti Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) para talakayin ang mga susunod na hakbang ng lokal na pamahalaan sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.
Sa pulong, unang ibinahagi ni QCADAAC Action Officer Ms. Christella Buen ang mga napagtagumpayan ng QCADAAC para sa taong 2023; tulad ng pagdami ng mga barangay na idineklara nang drug-cleared, pagpapaigting ng screening, at pagbaba ng Persons Who Use Drugs (PWUDs) sa Quezon City.
Inulat naman ng QCPD-District Community Affairs and Development Division ang bilang ng mga PWUDs sa iba’t ibang barangay. Iprinisinta naman ng Quezon City Regional Trial Court at Prosecutor’s Office ang kasalukuyang datos ng plea bargaining cases.
Inaprubahan din ng QCADAAC sa pulong ang mga resolusyon na nagsusulong ng iba’t ibang inisyatibo para matuldukan ang paggamit ng ilegal na droga sa Quezon City.
Nakiisa sa council meeting sina District 2 Coun. Rannie Ludovica, Liga ng mga Barangay president Coun. Mari Rodriguez, PAISD head Mr. Engelbert Apostol, SDO-QC Superintendent Ms. Carleen Sedilla, at mga kinatawan ng iba’t ibang opisina.




