Kasabay ng paggunita sa World Day Against Trafficking in Persons, iginawad ng Quezon City Government ang QC SAFE (Stops All Forms of Exploitation) Seal sa walong establisyimentong mahigpit na sumusunod sa pamantayan ng lungsod laban sa trafficking at exploitation.
QC SAFE Seal recipient ang:
– BLKM Cafe
– Caramia Cakes and Gelato
– Harold’s Hotel
– B Hotel
– Citadines Roces Hotel
– Cocoon Boutique Hotel
– Hive Hotel and Convention Place
– Jabroni’s NYC Pizza.
Nakakuha sila ng QC SAFE Seal para sa mga gawaing may layuning protektahan ang mga vulnerable individuals mula sa exploitation. Kabilang dito ang pag-train sa staff sa pagtukoy ng mga senyas ng pang-aabuso, mas mahigpit na check-in rules para sa mga minors sa mga hotel, at ang pag-display ng Child-Safe Commitment Statement.
Pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto ang paggawad ng parangal sa mga negosyo. Dumalo rin sa programa mga department head, mga kinatawan ng barangay, at civil society organizations.
Bukod sa awarding ceremony, iba-ibang talakayan patungkol sa exploitation at abuses ang isinagawa sa Quezon City Anti-Trafficking Summit, na may temang “Quezon City Stops All Forms of Exploitation: End Human Trafficking Now!”. Inorganisa ito ng Quezon City Social Services Development Department, kasama ang Philippine Children’s Ministries Network.










