Nagsilbing inducting officer si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na oath taking ceremony ng mga opisyal at miyembro ng Quezon City Association of the Deaf.

Ang naturang asosasyon ay kasalukuyang may 200 members na pinamumunuan ni President Carolyn Dagani.

Saksi sa panunumpa si Persons with Disability Affairs Office Head Ms. Deborah Dacanay at mga kawani ng PDAO-QC.

Sa QC, kasama ang lahat tungo sa pagkamit ng inklusibong komunidad.

+3