Muling umaksyon ang lokal na pamahalaan sa reklamo ng QCitizens ukol sa mga binansagang ‘Wiper Boys’ na sapilitang naglilinis ng windshield ng mga sasakyang nakahinto sa traffic light.

Ilang ‘Wiper Boys’ ulit ang nahuli sa intersection ng Araneta Avenue at Aurora Blvd. na malapit sa SM. Sta. Mesa, sa pakikipagtulungan ng Quezon City Police District (QCPD), QC Task Force Disiplina, Department of Public Order & Safety (DPOS), at Traffic & Transport Management Department (TTMD). Dinala ang mga nahuli sa istasyon ng pulis at nai-turnover na sa Barangay Police Security Officers (BPSO) ng Brgy. Doña Imelda.

Patuloy ang pagbabantay ng lokal na pamahalaan sa mga kalsada ng lungsod upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga motorista at pedestrian.

+3