Congratulations, QC BPLD! ![]()
![]()
Nakamit ng Quezon City Business Permits and Licensing Department (QC BPLD) ang Gold Stevie Award sa ilalim ng kategoryang “Innovation in Government – Organizations with 100 or More Employees” sa 2026 Asia-Pacific Stevie Awards.
Iginagawad ito sa mga natatanging pampublikong institusyon, ahensya, o organisasyon na may 100 o higit pang empleyado, na nagpapakita ng makabuluhan at epektibong inobasyon sa pamamagitan ng makabago, tapat, at bukas na pamamahala.
Patunay ang parangal na ito ng patuloy na pagsisikap ng QC BPLD na gawing mas mabilis, maayos, at accessible ang mga serbisyo at programa ng lungsod para sa bawat QCitizen.
Ang taunang Asia-Pacific Stevie Awards ang nag-iisang awards program na kumikilala sa husay at liderato ng iba-ibang negosyo sa buong rehiyon ng Asia-Pacific.




