Good news, QCitizens!
Ganap nang sumusunod sa bagong Early Childhood Care and Development (ECCD) Curriculum ang lahat ng city-operated Child Development Centers sa Lungsod Quezon.
Sa pakikipagtulungan ng Social Services Development Department – Early Childhood Care and Development at ng DepEd Schools Division Office, matagumpay na nabuo ang curriculum na ito upang higit pang mapataas ang kalidad ng edukasyon para sa mga Kabataang QCitizen.
Ang bagong curriculum ay idinisenyo upang bigyang-diin ang kabuuang pag-unlad ng mga batang may edad 3 at 4 na taong gulang. Nilalayon nitong magbigay ng malinaw na mga layunin sa bawat aralin, kasama ang mga makabuluhang aktibidad na tumutugon dito. Kasama rin dito ang mga pamantayan at gabay para sa pangangalaga, pag-unlad, at pagkatuto ng bawat bata, upang sila ay ganap na maihanda para sa pormal na edukasyon.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lungsod sa ECCD Council para maabot ang layunin nito na maihanay ang ECCD Curriculum sa National Early Learning Curriculum at MATATAG Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon, habang pinagtitibay rin nito ang core values ng kabataang QC: pagiging madasalin, magalang, malikhain, may disiplina, makakalikasan, at maka-lungsod.