Xin Nian Kuai Le, Gong Xi Fa Cai!
Bilang kickoff ng Chinese New Year Celebrations ng lungsod, nilibot ng iba-ibang media at content creators ang kahabaan ng Banawe Chinatown District sa naganap na QC Chinatown Heritage Tour sa pangunguna ng Quezon City Tourism Department.
Sumama rin si Mayor Joy Belmonte sa pag-iikot kasama sina AO Ollie Belmonte, AO Tommy de Castro, QC Tourism Department OIC Tetta Tirona, PAISD Head Bert Apostol, at QC Association of Filipino-Chinese Businessmen Inc. President Joaquin Co.
Binisita rin ng alkalde ang iba-ibang mga small businesses na kasama sa nagaganap na Food, Arts, and Crafts Fair sa Banawe.
Dinaanan ng tour ang Tzu Chi Buddhist Humanitarian Organization, Sheng Lian Temple, North Paifang, Wow Toy Museum, Mandarin Sky Restaurant, Causeway Chinese Restaurant, Cai Hok Restaurant, David’s Tea House, at D’Original Maki Haus.
Ang QC Chinatown Heritage Tour ay kasama sa mga inisiyatibo ng pamahalaang lungsod na mapakilala pa ang mayamang kaysaysayan ng distrito.