Nagpulong ang mga miyembro ng Quezon City Climate Action Council sa unang pagkakataon ngayong umaga.
Sa bisa ng Executive Order No. 26, S-2024, nabuo ang QC Climate Action Council para siguraduhing nakaayon at nakalinya ang mga programa ng lokal na pamahalaan sa mga target at goals sa pangangalaga sa kalikasan tungo sa pagiging climate-neutral at climate resilient city pagdating ng 2050.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na mahalagang ma-integrate ang lahat ng polisiya at inisyatibo sa lahat ng proyekto ng lungsod para matiyak na matugunan ang climate change at mas mabilis na maka -adapt sa masamang epekto nito.
Nagsilbing presiding officer sa pulong si Mayor Joy, na dinaluhan ng mga department head at mga kinatawan ng iba-ibang opisina ng pamahalaang lungsod.




