Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QC-DRRMO) OIC Sec. Ricardo T. Belmonte ang ginanap na pagpupulong para sa Close-Out Ceremony ng Quezon City Climate and Disaster Risk Assessment (QC-CDRA) Project.
Layon ng proyekto ng lokal na pamahalaan at ng Earthquakes and Megacities Initiative (EMI), na gawing updated ang climate at disaster risk assessment ng lungsod, upang mapanatili ang kahandaan at kaligtasan ng lahat laban sa anumang sakunang maaaring dumating.
Nai-turn over din ang ilang Project Final Deliverables para sa lungsod at nagkaroon ng ceremonial signing ng certificate of project completion.
Dumalo rin sa pagpupulong sina GAD head Janet Oviedo, CCESD head Andrea Villaroman, QC-DRRMO – Research and Planning Section Chief Maria Bianca Perez, QC DRRMO Admin and Finance Section Chief Cherry Menguito-Gutierrez, Dr. Olivia Amalia III ng QCHD, DOST Philvolcs Geology and Geophysics Research and Development Dvision OIC Teresito T. Bacolcol, PAGASA Weather Services Chief Thelma Cinco, MPA, OCD-NCR Regional Director MGEN. Romulo M. Cabantac, Jr. (JR), at EMI expert Dr. Renan Tanhueco.