Pinasinayaan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang QC Council Bazaar bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month. Nakiisa rin sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Councilors Doc Ellie Juan, Charm Ferrer, Nanette Castelo-Daza, at Vic Bernardo.
Tampok sa bazaar ang mga pre-loved items tulad ng damit, houseware, at accessories mula mismo sa ating mga konsehal. Maaaring bisitahin ang bazaar sa QC Hall pathwalk mula March 13 hanggang 15. Ang mga malilikom sa bazaar ay mapupunta sa mga shelter na nagpoprotekta sa mga kababaihan sa lungsod.