Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at mga kinatawan ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC) para talakayin at magbigay ng update sa mga proyektong naisakatuparan nila.
Dumalo rin sa pulong si QCCPC Co-chairperson at Vice Mayor Gian Sotto, at sina Coun. Ellie Juan, Coun. Noe Dela Fuente III, at Coun. Aly Medalla.
Nasa pulong din ang ilang department heads at kinatawan ng non-government organizations (NGOs), at QC child representatives.