ICYMI: Nagsagawa ng pagdinig ang Quezon City Council sa pangunguna ni Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, kasama ang Committee on Laws, Rules and Internal Government at Committee on Public Order and Security para imbestigahan ang mga insidente ng sunog sa lungsod kamakailan.
Layon nitong makagawa ng mga hakbang upang hindi na maulit ang mga insidente ng sunog sa lungsod na naging sanhi ng pagkamatay ng ilang indibidwal.