Sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto at Majority Floor Leader Doray Delarmente, inaprubahan ng Quezon City Council sa ikalawang pagbasa ang panukalang ordinansa na nagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

Ang proposed ordinance ay tuluyang magpapataw ng ban sa mga POGO na karaniwang pinagmumulan ng mga ilegal na gawain, at nagdudulot ng panganib sa lipunan.

Inihain na ni Coun. Marra Suntay ang proposed ordinance bago pa man ideklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbabawal nito.

Tinalakay naman ni Coun. Irene Belmonte ang proposed ordinance para sa Quezon Memorial Institutional Heritage District na magtatakda ng 1-kilometer buffer area mula sa outer boundaries ng Quezon Memorial Circle.

Magpo-protekta din ito sa historical character ng lungsod.

Ang mga gusali, at mga planong itayong establisemyento ay kinakailangang sumunod sa ordinansa para hindi makasira sa tanawin ng QMC pylon, na nagsisilbing pagkakakilanlan at landmark ng lungsod.

+4