Agad nagdaos ng special session ang Quezon City Council sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto at Majority Leader Doray Delarmente, upang maipasa ang resolusyon na nagdedeklara ng State of Calamity sa lungsod.
Dahil pasado na ang resolusyon, maaari nang gamitin ng mga barangay ang kanilang Quick Response Fund para matugunan ang pangangailangan ng mga binahang residente.