Pinangunahan ng Quezon City Department of Engineering ang Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis (RDANA) na isinagawa sa Lungsod ng Bogo, Cebu, matapos ang nakapipinsalang 6.9 magnitude na lindol.
Nagsagawa ng pagsusuri sa istruktura ng mga bangko, grocery stores, botika, hardware stores, at mga restaurants ang team na binubuo ng mga tauhan mula sa Department of Building Official, Health Department, at Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), sa pakikipag-tulungan sa Philippine Institute of Civil Engineers (PICE) Cebu Chapter, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Sa kabila ng patuloy na aftershocks na nagpapahirap sa paggalaw at nagdudulot ng panganib sa kaligtasan, nakipagtulungan pa rin sila sa Philippine Coast Guard upang maabot ang mga apektadong komunidad.
Ipinapakita nito ang matatag na suporta ng Quezon City sa Lalawigan ng Cebu habang ito ay bumabangon mula sa kalamidad.








