Kasunod ng naunang update hinggil sa mataas na water level ng Araneta Creek sa bahagi ng G. Araneta Avenue, agad na nagsagawa ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), ng pumping operations sa G. Araneta Avenue cor. E. Rodriguez Avenue, Barangay Tatalon, kasabay ng pumping operations na isinagawa rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lugar.
Isinasagawa ang pumping sa nasabing downstream area upang ilipat ang tubig patungo sa San Juan River, at makatulong na mapababa ang water level sa mga upstream areas na konektado sa San Francisco River at Araneta Creek, kabilang ang Masambong, Talayan, Siena, at Sto. Domingo.
Bahagi ito ng proactive flood management measures ng QCDE upang makatulong na maiwasan ang pagbaha sa bahagi ng G. Araneta Avenue habang nagpapatuloy ang pag-ulan.










