Matagumpay na idinaos ng Quezon City Department of Engineering (QCDE) ang kanilang General Assembly kanina sa QCX, Quezon Memorial Circle, sa pangunguna ni City Engineer, Atty. Mark Dale Diamond P. Perral.

Nagbigay ng opening remarks si City Administrator Mike Alimurung para sa mga project engineer.

Naging sentro ng pagtitipon ang paglulunsad ng Infrastructure Project Management System (IPMS), Quezon City Road and Drainage Fix (QC Road Fix), at Geographic Information System (GIS).

Inilunsad din ang Project Manual para sa mga proyektong imprastraktura ng Lungsod.

Ginawaran naman ng Safe Man-Hours Awards ang anim na construction company dahil sa kanilang pagbibigay ng prayoridad sa kaligtasan ng kanilang manggagawa habang nagtatrabaho.

Nagtapos ang pagtitipon sa closing remarks ni City Engineer, Atty. Perral.

Kabilang sa mga dumalo sa Assembly sina Ar. Baltazar C. Avelino – OIC, Parks and Development and Administration Department, City Architect Lucille H. Chua, Mr. Mark Glenn Retirado, Project Manager ng Sparksoft, at Mr. Abdulmalik M. Edgar-Masorong, Section Head ng GIS & IT Section.

+27