Sa pagsisimula ng summer season, lalo pang pinaigting ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Department of Engineering (QCDE), ang paghahanda para sa tag-ulan sa pagsasagawa ng iba-ibang road at drainage maintenance activities sa ilang bahagi ng lungsod.
Kabilang dito ang mga clearing at de-clogging operations, gayundin ang mga drainage improvement works, upang mabawasan ang panganib ng mabilis na pagbaha sa mga lansangan.
District 1
– De-clogging works sa Fernandez St., Brgy. Pag-Ibig sa Nayon
– De-clogging works sa Road A corner Road B, Brgy. Veterans Village
– De-clogging works sa Scout Alcaras St., Brgy. St. Peter
– De-clogging works sa Marinduque St., Brgy. Del Monte
– De-clogging works sa Natividad St., Brgy. Paltok
District 2
– Clearing works sa Pasong Tamo Creek sa Southville Subd., Brgy. Holy Spirit
– De-clogging works sa Kasayahan St., Brgy. Batasan Hills
– De-clogging works sa Humanity Village, Brgy. Baong Silangan
District 3
– Clearing works sa Creek sa Tampoy St., Brgy. Quirino 2-B
– De-clogging works sa Annapolis at Ermin Garcia St., Brgy. E-Rodriguez
– De-clogging works sa Lizardo St., Brgy. Dioquino Zobel
– De-clogging works sa Kasing-Kasing St., Brgy. East Kamias
– Repair works sa Col. Salgado St., Brgy. West Kamias
District 4
– De-clogging works sa Bustamante St. at sa Unang Hakbang, Brgy. Sto. Niño
– De-clogging works sa Malumanay at sa Maalalahanin St., Brgy. Teacher’s Village West
District 5
– De-clogging at clearing works sa Amos St. at Salvador St., Jordan Plains Subd., Brgy. Sta. Monica
– De-clogging at clearing works sa Sarmiento St., Brgy. Novaliches Proper
– De-clogging works sa Narra St., SAPAMANAI Village, Brgy. Fairview
District 6
– De-clogging at repair works sa BIR Village, Brgy. Sauyo
– De-clogging at installation works sa Metro Heights Subdivision, Brgy. Culiat
– De-clogging works sa Austrilla St. Upper Banlat at Polaris St., Brgy. Tandang Sora
– De-clogging works sa Royale St., Brgy. Apolonio Samson
Ang mga paghahandang ito ay sumasalamin sa patuloy at maagap na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga hamon ng tag-ulan, bilang bahagi ng mas malawak nitong layunin na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng mga QCitizens.










