Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na inaksyunan ng Quezon City Government ang pagsasaayos ng nasirang riprap sa ROTC Hunters St, Barangay Tatalon.
Pinangunahan ito ng Quezon City Department of Engineering (QCDE), sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon City 2nd District Engineering Office, at San Miguel Corporation Infrastructure Group.
Patuloy na magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng mga kinakailangang hakbang upang mapabilis ang pagsasaayos ng nasirang riprap at matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga QCitizen sa lugar.










