Nagpulong ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QC DRRMC) upang pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon kaugnay ng epekto ng Habagat at ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong.
Tinalakay ang pinakabagong weather updates, ulat mula sa Incident Management Team (IMT), at reports mula sa iba’t ibang response clusters upang mapahusay ang mga plano, koordinasyon, at bilis ng aksyon ng lungsod.
Nagpasalamat si Mayor Joy Belmonte sa mga responders at frontline workers mula sa QC LGU, national agencies, barangays, at volunteers sa kanilang tuloy-tuloy na serbisyo.
Patuloy ang lungsod sa pagpapatupad ng flood control measures at disaster response programs para sa kaligtasan ng QCitizens.




