Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Muling nagtipon ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) upang masuri at mapalakas ang mga programa at inisyatiba para sa kahandaan at kaligtasan ng QCitizens.
Pinangunahan ang pulong ni Mayor Joy Belmonte bilang presiding officer, kasama si QCDRRMO OIC Ma. Bianca Perez.
Dumalo rin ang mga department heads, kinatawan mula sa iba-ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod, at mga Civil Society Organizations (CSOs) sa full council meeting.








