Patuloy na nakabantay ang Quezon City Government sa epekyo ng Bagyong #UwanPH sa lungsod.
Regular na mino-monitor ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang lagay ng panahon at posibleng epekto nito, at mga aksyon at tugon ng lokal na pamahaan sa mga report ng residente sa isinagawang weather briefing.
Bagamat bahagyang humina ang bagyo, nakaantabay pa rin 24/7 ang QCDRRMC para matiyak na ligtas at protektado ang mga QCitizen.
Umabot na sa 8,745 pamilyang QCitizens (as of 8AM) ang inilikas ng lokal na pamahalaan, bilang pag-iingat sa posibleng pagbaha dulot ng bagyo.
Sinisiguro ng QC Government na tuloy-tuloy ang pag-alalay at pagkalinga sa kanila, para maibigay ang mga pangunahin nilang pangangailangan tulad ng pagkain at pansamantalang tutuluyan.
Para sa anumang emergencies, tumawag sa Helpline 122.
Stay safe, QCitizens!








