Patuloy ang pagbabantay ng Quezon City Government sa epekto ng Habagat o Southwest Monsoon sa lungsod.
Ngayong hapon, personal na dumalo sina Mayor Joy Belmonte at mga department head sa regular Weather Briefing ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) na idinadaos face to face at online every four hours.
Tinatalakay sa briefing ang update at forecast kung ano ang magiging lagay ng panahon sa mga susunod na oras.
Binabanggit din ang lahat ng mga aksyon at inisyatibo ng mga departamento ng lungsod para tugunan ang pangangailangan ng mga QCitzen.
Patuloy na nakaantabay ang QC sa epekto ng pag-ulan. Para sa emergencies, tumawag sa Helpline 122.




