Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa huling briefing kahapon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC), upang alamin ang lagay ng buong lungsod sa gitna ng pananalasa ng habagat.
Bahagi ng talakayan ang pag-monitor sa Tropical Depression #DantePH, ang sitwasyon ng mga distrito, at ang walang patid na tugon ng lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.
As of 6:00 PM (July 22, 2025), aabot na sa 157 evacuation sites sa anim na distrito ang activated sa lungsod. Tumutuloy dito ang aabot sa 38,000 na mga indibidwal.
Nais ni Mayor Joy na siguruhin ang kapakanan ng bawat pamilyang apektado ng pagbabaha at matiyak na magiging komportable ang kanilang pansamantalang panunuluyan sa mga evacuation centers.




