Nagsagawa ng weather briefing ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) upang talakayin ang kasalukuyang lagay ng panahon dulot ng pinalakas na Habagat at Tropical Depression “Maymay,” gayundin ang kahandaan ng pamahalaang lungsod sa pagtugon sa mga posibleng epekto nito.
Sa briefing, inilahad ang inaasahang weather outlook para sa mga susunod na araw, paghahanda ng bawat ahensya, gayundin ang mga hakbang na ipatutupad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat QCitizen.
Nakaantabay ang mga response team at nakahanda ang mga relief resources ng lungsod, kabilang ang ready-to-eat meals, food packs, hygiene kits, gamot, at iba pang non-food items para sa agarang pagtugon kung kinakailangan.
Nananatiling naka-Yellow Alert ang QCDRRMD, habang patuloy na nakaantabay ang mga response team, evacuation resources, at iba pang mahahalagang serbisyo ng pamahalaang lungsod.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng Quezon City Government.
Para sa anumang emergency, tumawag sa Helpline 122.










