Pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) ang weather briefing upang suriin ang kasalukuyang kondisyon ng panahon at ang mga posibleng epekto ng pinalakas na Habagat sa lungsod.
Nananatiling nakatutok si Mayor Joy Belmonte sa sitwasyon, katuwang ang mga District Action Officers at iba pang concerned offices sa pagtiyak na maagap ang pagkilos sa mga lugar na maaaring maapektuhan.
Tinalakay sa pulong ang weather outlook para sa mga susunod na araw, kahandaan ng mga departamento at partner agencies, pati na ang mga contingency measures na maaaring ipatupad depende sa magiging lagay ng panahon.
Sa bisa ng Orange Heavy Rainfall Warning na umiiral sa Metro Manila, patuloy na nakahanda ang mga response personnel, evacuation facilities, at iba pang kinakailangang resources ng pamahalaang lungsod para sa agarang pagtugon.
Hinihikayat ang lahat ng QCitizen na manatiling alerto at abangan ang mga abiso ng Quezon City Government para sa pinakabagong impormasyon.
Para sa emergency o agarang pangangailangan ng tulong, tumawag sa QC Helpline 122.






