Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naghanda ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) ng mga staging areas sa bawat distrito upang mapabilis ang pagresponde sa anumang emergency.
Nakaantabay dito ang mga tauhan at kagamitan ng iba’t ibang QC response teams, kabilang ang QCDRRMD, Traffic and Transport Management Department, Task Force Disiplina, QC Police District, at Department of Public Order and Safety.
Patuloy na naka-alerto ang QC at handang magdagdag ng personnel kung kinakailangan para sa kaligtasan ng lahat ng QCitizens.










