Nakaalerto at nakahanda ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) sa posibleng epekto ng Habagat sa lungsod.
Nakapuwesto sa mga strategic staging areas sa bawat distrito ang mga tauhan at kagamitan ng QCDRRMD, kasama ang Traffic and Transport Management Department (TTMD), Task Force Disiplina, Quezon City Police District (QCPD), at Department of Public Order and Safety (DPOS) upang matiyak ang mabilis na pagresponde kung kinakailangan.
Nakahanay rin bilang katuwang ng lungsod ang mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga kinakailangang operasyon.
Handang magdagdag ng personnel at resources ang Quezon City Government upang agad na matugunan ang anumang pangangailangan at mapanatiling ligtas ang mga QCitizen.








