Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy na nakaalerto 24/7 ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) sa epekto ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.
Nakaantabay at nakaposisyon ang mga QC response teams sa iba’t ibang lugar upang mabilis na makapagbigay ng tulong.
Patuloy rin ang operasyon ng Emergency Operations Center (EOC) sa pag-monitor ng kondisyon ng panahon at mga kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Pinapaalalahanan ang lahat ng QCitizens na manatiling updated sa mga opisyal na social media page ng QC Government para sa mahahalagang abiso at impormasyon.
Para sa emergency assistance at iba pang concerns, tumawag sa QC Helpline 122.










