Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) sa mga posibleng epekto ng Habagat at tuloy-tuloy na pag-ulan sa lungsod.
Naka-ready ang mga response team sa iba’t ibang strategic areas ng Quezon City upang agarang rumesponde at tumulong sa mga residenteng maaaring maapektuhan ng anumang insidente.
Samantala, tuloy-tuloy ang pagmamatyag ng Emergency Operations Center (EOC) sa lagay ng panahon at sitwasyon sa bawat bahagi ng lungsod upang matiyak ang maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng QCitizens.
Manatiling nakatutuok sa social media accounts ng Quezon City Government para sa pinakabagong weather updates, advisories, at iba pang mahahalagang impormasyon.
Para sa emergency assistance at concerns, maaaring tumawag sa QC Helpline 122.










