Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakahanda 24/7 ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) dahil sa malakas na pag-ulan na dulot ng Habagat.
Naka-deploy sa iba’t ibang area ang response teams ng QC para agad na rumesponde kung may insidente.
Samantala, patuloy ang Emergency Operations Center (EOC) para bantayan ang lagay ng panahon at mga sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Pinapayuhan ang lahat ng QCitizens na tumutok sa official social media pages ng QC Government para sa mga anunsyo.
Para sa agarang tulong o iba pang concern, tumawag sa QC Helpline 122.









