Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakatutok ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) Emergency Operations Center dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat.
Naka-deploy sa iba-ibang area ang mga response team upang agad na rumesponde kung may mangyaring insidente.
Samantala, nagpapatuloy ang round-the-clock operations ng Emergency Operations Center (EOC) para bantayan ang weather conditions at mga sitwasyon sa iba-ibang bahagi ng lungsod.
Pinapayuhan ang lahat ng QCitizen na sumubaybay sa official social media pages ng Quezon City Government para sa mga pinakabagong anunsyo, babala, at impormasyon.
Para sa agarang tulong o iba pang concern, tumawag sa QC Helpline 122.









