Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Naka-full alert ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) bilang tugon sa patuloy na epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat.
Naka-standby ang mga response team para sa agarang pagresponde sa anumang insidente, habang tuloy-tuloy ang 24/7 monitoring ng Emergency Operations Center (EOC) upang masubaybayan ang lagay ng panahon at sitwasyon sa lungsod.
Manatiling nakatutok sa official social media pages ng Quezon City Government para sa mahahalagang abiso at updates.
Para sa emergency o anumang concern, tumawag sa QC Helpline 122.










