Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) ang operational briefing bilang paghahanda sa posibleng epekto ng #HabagatPH.
Tinalakay sa briefing ang mga response measures at mga protocol na dapat ipatupad upang matiyak ang mabilis at maayos na pagtugon sa anumang emergency.
Naka-ready rin ang mga response at rescue team, kasama ang kanilang mga kagamitan upang agad na rumesponde kung kinakailangan.
Samantala, tuloy-tuloy ang 24/7 monitoring ng Emergency Operations Center (EOC) sa mga insidente at sitwasyon sa iba-ibang bahagi ng lungsod.
Para sa emergency at iba pang agarang concerns, tumawag sa QC Helpline 122.










