Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ng Operational Briefing ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) bilang tugon sa epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o Habagat.
Sa briefing, binalangkas ang mga pagpapatupad ng mga itinakdang protocol sa paglikas at iba pang hakbang..
Nananatiling nakaantabay ang mga response at rescue team, kabilang ang kanilang mga kagamitan at sasakyan.
Patuloy din ang operasyon ng Emergency Operations Center (EOC) para magbantay 24/7 sa mga insidente sa iba-ibang bahagi ng lungsod.
Para sa emergency o iba pang agarang concern, tumawag sa QC Helpline 122.









