Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsagawa ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) ng Operational Period Briefing bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Enhanced Southwest Monsoon o #Habagat.
Tinalakay ang mga response plan, coordination measures, weather monitoring, at iba pang protocol upang matiyak ang mabilis at organisadong pagtugon sa anumang insidente.
Naka-standby na rin ang mga response at rescue team, kasama ang kanilang mga kagamitan at sasakyan, habang aktibo ang Emergency Operations Center (EOC) para sa tuloy-tuloy na 24/7 monitoring ng sitwasyon sa lungsod.
Laging nakahanda ang Quezon City Government upang matiyak ang kaligtasan ng bawat QCitizen.
Para sa emergency o anumang concern, tumawag sa QC Helpline 122.










