Bilang paghahanda sa bagyong #UwanPH, nagsagawa ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ng Operational Period Briefing kasama ang mga kawani at uniformed personnel ng lungsod.
Layon nito ang maayos na koordinasyon ng mga team, pagmomonitor ng lagay ng panahon, at pagpapatibay ng mga protocol para sa mabilis na pagtugon sa oras ng sakuna.
Nakahanda na rin ang mga kagamitan at sasakyan ng response at rescue teams upang agad na magamit kung kinakailangan.
Aktibo na ngayon ang Emergency Operations Center (EOC) para sa 24/7 monitoring at agarang pagresponde sa anumang sitwasyon.
Tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod ang kaligtasan at kapakanan ng bawat QCitizen.
Para sa emergency o anumang concern, tumawag lamang sa QC Helpline 122.








