Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy na nakabantay 24/7 ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office sa kanilang Emergency Operations Center upang masubaybayan ang galaw ng Bagyong Ramil at matiyak ang kaligtasan ng bawat QCitizen.
Nagsagawa rin ng weather briefing ang QCDRRMO kasama ang mga miyembro ng Quezon City DRRM Council upang matiyak na handa at agad makarating ang mga kinakailangang resources sakaling magkaroon ng emergency.
Para sa anumang uri ng sakuna o insidente, tumawag sa QC Helpline 122.








