Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Laging handa ang Quezon City sa anumang sakuna. ![]()
Bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong #UwanPH, naglatag ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ng mga strategic staging areas sa bawat distrito.
Naka-preposition sa mga ito ang mga kagamitan at tauhan mula sa QCDRRMO, Traffic and Transport Management Department, Task Force Disiplina, QC Police District, at Department of Public Order and Safety.
Kaagapay rin ng QC ang ilang tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.
Handang mag-deploy ng karagdagang personnel ang QC para agad na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at matiyak ang kaligtasan ng QCitizens.








