Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Quezon City, laging handa sa anumang sakuna!
Bilang bahagi ng paghahanda para sa Bagyong Opong, nagtatag ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ng mga staging areas sa bawat distrito ng lungsod.
Naka-preposition sa staging areas ang mga kagamitan at tauhan mula sa iba-ibang ahensya tulad ng QCDRRMO, Traffic and Transport Management Department, Task Force Disiplina, QC Police District, at Department of Public Order and Safety.
Ang mga karagdagang personnel ay handang mag-deploy upang agarang matugunan ang mga pangangailangan at siguraduhing ligtas ang bawat QCitizen sa oras ng sakuna.










