Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Matapos maglibot sa evacuation centers, nagtungo si Mayor Joy Belmonte sa Emergency Operations Center ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office upang patuloy na i-monitor ang sitwasyon ng #HabagatPH sa Lungsod Quezon.
Tuloy-tuloy ang pagtugon ng mga departamento ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng bawat QCitizens.
Ipinatutupad na rin ang forced at preemptive evacuation sa mga barangay na apektado ng pagtaas ng tubig dahil sa malakas na ulan.
Prayoridad ng lokal na pamahalaan na mailikas ang mga residenteng nakatira malapit sa mga waterways, creeks, at ilog sa lungsod.










