Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang preemptive evacuation kahapon sa mga flood-prone areas ng lungsod bilang paghahanda sa Bagyong Opong.
Kasama ng QCDRRMO ang mga miyembro ng law and order cluster at mga barangay personnel para ligtas na mailikas ang mga residente.
Nananatiling nakahanda ang lungsod para sa anumang insidente na dulot ng bagyo.
Para sa agarang tugon sa anumang emergency, tumawag lamang sa QC Helpline 122, at para naman sa mga updates, tumutok sa mga official QC Government social media pages.








