Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakahanda na ang mga kagamitan, sasakyan, at emergency response at rescue teams ng Quezon City bilang paghahanda sa bagyong #UwanPH.
Nagsasagawa na ng preemptive evacuation ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga residente na naninirahan sa low-lying areas.
Patuloy din ang 24/7 monitoring ng QCDRRMO upang agad tumugon sa anumang insidente dulot ng bagyo.
Maaaring tumawag sa QC Helpline 122 para sa emergencies.








