Nananatiling nakaantabay ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang mga ahensyang bahagi ng QC DRRM Council bilang paghahanda sa epekto ng Habagat.
Nagdeploy na rin ang QCDRRMO ng rescue teams upang iligtas ang QCitizens na nangangailangan ng tulong.
Pinapayuhan ang mga residente lalo ang mga nakatira sa flood-prone areas na lumikas at magtungo sa evacuation sites sa kanilang barangay.
Para sa anumang uri ng emergency, maaaring i-dial ang Quezon City Helpline 122 upang agarang matugunan ito.




