Kapag healthy si mommy, healthy din si baby!

Mahigit 400 lactating moms sa District 1 ang nakatanggap ng kalabasa mula sa Office of the City Mayor.

Mahalaga sa isang nagpapasusong ina ang masustansyang pagkain upang matiyak na ang kaniyang gatas ay may sapat na nutrisyon na kailangan ng sanggol.

Patuloy din ang Quezon City Government sa pagbibigay ng sapat at maayos na pre-natal at post-partum care sa mga ina at sanggol sa lungsod.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng libre check-up, bitamina, at bakuna sa ating mga health center, gayundin ang pagtuturo ng family planning sa bawat pamilya.

Maaaring magpunta sa pinakamalapit na Health Center sa inyong barangay para magpakonsulta.

+14