Happy Quezon City Employees Day!
Ngayong araw ng mga kawani, kinilala ng lokal na pamahalaan ang mga serbisyo at kontribusyon ng bawat empleyado sa kaunlaran ng Lungsod Quezon.
Lubos na pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang QC employees na walang sawang naglilingkod para sa mga QCitizen.
Binigyang-diin din niya na ang mga sakripisyo at dedikasyon ng mga empleyado ang naging susi sa katatagan ng Quezon City, anuman ang suliranin na kaharapin, sa loob ng 85 taon.
Simula 2019, ang mga empleyado ng Quezon City Government ay mayroon nang health insurance. Tuwing Lunes, pinaparangalan din ang mga natatanging kawani.
Tinitiyak din ng pamahalaang lungsod ang career progression ng bawat empleyado, at pinapakinggan at ibinibigay ang lahat ng pangangailangan nila para mas maiabot ang de-kalidad na serbisyo para sa lahat.