Sa gitna ng hamon, karamay ninyo ang Lungsod Quezon ![]()
Maglalaan ng ₱10 milyon na tulong pinansiyal ang Quezon City bilang suporta sa mga munisipalidad at lungsod sa Cebu na lubhang tinamaan ng 6.9 magnitude na lindol noong September 30.
Upang makatulong sa kanilang pagbangon ay ipaaabot ang tulong pinansiyal sa mga sumusunod na lugar:
Bogo City
Municipality of Medellin
Municipality of San Remigio
Municipality of Bantayan
Municipality of Santa Fe
Municipality of Tabogon
Municipality of Tabuelan
Municipality of Sogod
Municipality of Carmen
Municipality of San Fernando
Bukod sa financial assistance ay nagtungo na sa Cebu ang delegasyon ng Pamahalaang Lungsod.
Binubuo ito ng mga engineers at Disaster Risk Reduction technical crew na tutulong sa damage assessment at auditing ng mga gusali at imprastruktura.
Kasama rin ang emergency medical services at psychosocial team upang makapagbigay ng agarang tulong medikal at mental health support sa mga nangangailangan.




