Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
TINGNAN: Nasa Valladolid, Spain ang delegasyon ng Quezon City Film Commission – QCFC, sa pangunguna ni Executive Director Liza Diño upang dumalo sa San Sebastian International Film Festival.
Pinuntahan ng QCFC ang Migrant Workers Office sa Madrid at nakipagpulong kay Consul Dyan Miranda-Pastrana.
Kabilang sa binisita ng grupo ang University of Valladolid, at ang archives ng Seminci Film Festival. Nakipagpulong rin sila sa mga nangungunang audiovisual companies sa lungsod.
Layon ng pagbisita na mas mapalawak pa ang mga oportunidad para sa kolaborasyon sa pagitan ng Pilipinas at Espanya sa larangan ng sining at pelikula.








