Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations, Quezon City Fire District (QCFD)!
Kinilala bilang Best Fire District sa National Capital Region (NCR) ang QCFD sa ginanap na ika-35 anibersaryo ng Bureau of Fire Protection sa Linsangan Hall, BFP-National Headquarters.
Tinanggap ni QC District Fire Marshal FSSUPT Robert D. Samillano Jr., DSC ang nasabing parangal.
Binibigyang-pagkilala nito ang patuloy na pagsusumikap, dedikasyon, at mahusay na pagganap ng buong hanay ng QCFD sa pagtupad sa kanilang mandato na pangalagaan ang buhay, ari-arian at kaligtasan ng mga mamamayan ng Quezon City.










